Site hosted by Angelfire.com: Build your free website today!


 
"You did not choose me, but I choose you and appointed you to go and bear fruit - give you whatever you ask in  my name."
John 15:16 [NIV]

Ang Pag-ibig Ng Diyos

 

Si Yahweh ay papurihin, purihin mo kaluluwa
Ang pangalan Niyang banal, purihin mo sa tuwina
Ang lahat kong kasalanan Siya ang nagpapatawad
At ano ma’ng ang aking sakit ginagamot niya’ng lahat
Pinagpapala Niya ako sa pag-ibig Niya’t habag
Sa sarili and dulot niya kasiyan habang buhay.

Kay ganda ng kalooban mahabagin itong Diyos
Kung magalit ay banayad, kung umiibig nama’y lubos.
Banayad nga kung magalit Hhndi Siya nagtatanim
Yaong taglay Niyang galit hindi Niya kinikimkim
Kung Siya ay magparusa di katumbas ng pagsuway
Di Niya tayo sinisingil sa nagawang kasalanan
Ang agwat ng lupa’t langit sukatin mo hindi kaya.

Gayon ang pag-ibig ng Diyos sa may takot sa Kanya.
Ang pag-ibig ng Diyos tunay na walang hanggan
Sa sinuman na sa Kanya’y may takot at pagmamahal
Si Yahweh ang nagtayo ng trono sa kalangitan
Mula doon sa nilikha maghahari walang hanggan.


Purihin ninyo siya kayong lahat na nilalang
Sa lahat ng mga dako maghahari ang maykapal.
Sa sarili ang dulot niya’y kasiyahan
Habang buhay kaya namang
Ang lakas ko ay lakas ng kabataan
Katulad ng agila ang taglay kong kalakasan
Ganyan ang pag-ibig ng Diyos!

_____________________________________________

Written by:  Pining Pineda

 

 
Home ||| About Us ||| Pastor's Corner ||| Mission Abroad ||| Bible Study||| Reflections ||| Members' Corner ||| Testimony ||| E-mail
Site Maintain by: Yadni, Inc.©
Site Updated: November 17, 2007